Nabitawan ni Green ang hawak niyang telepono, kusang bumalong ang mga luha nito at nanghina sa nalaman. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Adelfa nang napansin nito ang hitsura. "Adel!" bigkas ni Green nang mapatingin siya sa kaibigan. "Bakit?" "Si Itay...wala na siyaaaa!" bumalahaw ng iyak si Green saka napayakap kay Adelfa at humagulhol. "Ano?! Sinong nagsabi sa'yo?" naiiyak na ding tanong ng dalaga. Subalit hindi sumagot si Green dahil sa paghahulhol nito. Hinaplos na lamang ni Adelfa ang likod ni Green upang kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman nito. Wala pa naman ang kanilang Senyorito at bukas pa ng gabi ito makakauwi o kay sa ibang araw pa. "Mama, magdala ka nga po ng tubig dito!" tawag ni Adelfa sa Ina nito. Humahangos namang dumating si Aling Thelma na na