Napapaiyak na si Adelfa sa kakasayaw kay Baby Hanz, hindi ito masyadong nagpakatulog dahil nga mahirap padedehin sa bote ang bata. Natawag na yata lahat ni Adelfa ang mga santo pero wala pa sina Green at Arthur. Ang lakas pa naman ng ulan at kidlat magdamag hanggang kinabukasan. "Bakit tila iyak nang iyak ang bata?" mula sa likuran ni Adelfa ay naroon si Joyce. Gulat si Adelfa na humarap kay Joyce, tila naligaw yata ang bruha. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ba sabi ni Senyorito huwag ka munang magpapakita rito?" Tanong nito na nakalukot ang mga kilay. Ngumiti naman si Joyce na may konting ismid. "Alam kong out of the country siya! So, I just passing by to say hello tapos ito ang mabubungaran ko?" wika nito. "Salamat sa concerned mo," tila balewalang turan ni Adelfa at muli nitong is