Galit na galit si Joyce na umalis ng Mansyon dumiretso ito sa lihim nilang tagpuan ni Akirah. Sakto namang naroon na din si Akirah dahil tinawagan ito ni Joyce bago nagpunta doon. "Bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong agad ni Akirah kay Joyce nang magpang- abot na sila. Padabog na umupo si Joyce sa sofa at nag- de kwatro ng mga binti nito. "That witch, she's back! Mukhang mahihirapan na naman ako ng dahil sa kanya," inis na sagot ng dalaga. Natawa naman si Akira at umupo din sa harapan ni Joyce. "Nagawa mo nga kay Hunter na mas matinik kaysa kay Green eh! Bakit ka mahihirapan?" ani naman ni Akirah. "Iba ang pang - amoy ng babaeng iyon, hindi pa niya napapatunayan ginagawa na niya. Hindi katulad ni Hunter na saka lang gumagawa ng hakbang kapag sure na niya." Pahayag ni Joyce. "Aba, e