Mahigpit na nagyakapan sina Adelfa at Green nang dumating ang dalaga galing sa Mall. Marami ang kanilang pinamili, tumulong din si Green kahit na ipinagbawal na ni Donya Valerie. Katwiran ni Green ay bahay nila ni Hunter iyon at hindi masamang tumulong sa mga gawain. Ang hindi dapat magtrabaho o tumulong sa nasabing gawain ay ang Donya. "Alam mo, hindi ako makapaniwalang dumating ka. Mabuti naman at naliwanagan din ang iyonh isipan. Kawawa na talaga ang mag-ama mo," sabi ni Adelfa habang naglalagay ito ng mga pinamili sa loob ng fridge. Mapait namang napangiti si Green at inayos din nito ang ibang pinamili nina Adelfa at Aling Thelma na kailangan sa kusina. "Senyorito mo lang naman ang umaayaw sa akin, remember pinagtabuyan niya ako. Tinapos na niya ang lahat ng aming ugnayan napakasaki