Bilang na ang araw mo, Joyce

1601 Words

Nanginginig sa galit si Green maging ang mag- asawang Gener at Valerie pagkatapos nilang mapakinggan at mapanood ang nilalaman ng usb. Pare-pareho silang hindi makapaniwala na magagawa ni Joyce ang ganoong kasamaan. Nagpupuyos si Green sa galit para kay Joyce mas lalo tuloy itong tumapang upang labanan ang dalaga. Masinsinan namang nag-usap ang tatlo para sa magiging plano ni Don Gener. Kailangan nilang lahat na makipag- tulungan upang matuldukan na ang kasamaan ni Joyce. "Kanino kaya galing ang usb?" naalalang tanong ng Don kapagkuwan. Napaisip din si Green, wala itong maisip na maaaring panggalingan ng nasabing usb. "Kakilala kaya ni Hunts? Pero, wala ring idea si Ybrahim tungkol sa pagkakakilanlan ng taong nag- upload at nag-record nito." Sabi naman ni Donya Valerie. "Natanong niyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD