Halos hindi makahinga si Hunter sa nakita at sa nasabing usb. Naihilamos nito ang sariling palad sa kanyang mukha at halos maduwal. Kapagkuwan ay may tinawagan ito, naikuyom ni Hunter ang kamao nito. Naniningkit ang mga matang nakatitig sa mapanlinlang na mukha ni Joyce, he even gritted his teeth. "Gusto mo ng laro, puwes pagbibigyan kita!" anas ni Hunter at nagngangalaiting dinuro ang larawan ni Joyce saka pinagpunit- punit iyon. Tinawagan din nito si Jacob upang muli silang magkita. Hindi na bale kay Ybrahim medyo malambot ang puso nito sa feeling victim na si Joyce. Saka, mas si Jacob ang nakakaalam sa nilalaman ng usb hindi pa iyon nakita ni Ybrahim saka na kapag maayos na ang lahat. Binilinan ni Hunter ang mga guwardiya sa Mansyon maging ang kanyang mga bodyguards lalong-lalo na kin