Natigilan si Don Gener nang makita si Joyce papalapit sa kinaroroonan nito. Papunta na sana ang Don sa presinto kung saan nakadestino ang ama ni Nick, Ninong ni Hunter. Naroon na din si Ybrahim may mahalaga silang pag-uusapan at papanoorin via usb. "Hi, Tito! Kumusta na po si Hunter? Is he okay now?" bati agad ng dalaga. Napakurap-kurap naman ang Don, anyway walang puwang sa araw na iyon ang ignorahin ang bisita. Tao namang dumating si Joyce kaya itatrato din niya ito bilang tao sa pagkakataong iyon. "He's under observation pa din hopefully magiging maayos na siya sa mga darating na araw." Sagot ng Don. "Mukhang may pupuntahan po kayo?" Puna naman ni Joyce. "Ah..oo! May mahalaga akong lakad ngayong araw and I need to be there." Wika ni Don Gener. "Saan po Tito?" lihim na naalarma si