Biglang naalarma su Green nang bigla ring namatay ang makina ng sasakyan ni Arthur. Napamulat ito mula sa pagkakapikit at sinulyapan si Arthur na malutong ang mura. Bumaba ang binata at sinuri ang harapan ng sasakyan. Kinalikot nito saka muling sumakay at sinubukang paandarin ang kotse. "Anong nangyari?" tanong ni Green, hindi sila masyadong nagkausap sa ni Arthur. Ramdam nilang dalawa na parang may pader sa kanilang pagitan. Hindi na katulad dati kapag nagkakatampuhan silang dalawa ay magiging okay din ilang oras lang. Iba ang nangyari sa kanila sa mga nakaraanh araw mukhang labis na nagdamdam si Arthur at napauwi pa ito sa Manila. "Hindi ko nga alam at biglang namatay ang makina." Sagot ni Arthur saka nito hinanap ang gamit para ayusin ang sasakyan. "Kung dalhin na lang kaya natin sa