Kuntento naman si Green sa choice ni Hunter na style ng nasabing party. Pang-baby talaga ang dating, magarbo nga lang na ayaw sana ni Green kaya lang kita naman niyang very excited ang kanyang asawa. Siyempre, ito na lang ang Whitlock na wala pang anak, lahat ng mga kapatid nito ay may mga supling na. Pero, may pinabago lang si Green sa kulay ng motif, siyempre lalaki ang kanilang baby kaya dapat masculine din ang katerno ng motif. "Are you tired?" tanong ni Hunter nang makalulan na sila sa kotse. "Medyo," maikling sagot ni Green. Binilinan naman ni Hunter ang kanilang driver na kumain muna sila sa isang restaurant upang mapawi ang kanilang mga pagod. Namili pa kasi sila ng kanilang susuotin sa gabi ng baby shower siyempre presentable iyon at si Green na mismo ang siyang pumili sa kanya