Ipinalibot ni Green ang kanyang paningin sa nasabing konting gathering ng mga stock holders ng mga kumpanyang magkaka-sosyo. Oo nga at nadala na siya ni Hunter sa mga gathering pero iba pa rin kapag may intensyon ka at may gagawin kang mission. At iba pa rin ang pakiramdam kapag ang kasama mong maki- gathering ay ang mahal mo sa buhay, dahil kahit may pangamba ay feeling secured ka pa din. "Hi, mga pakners long time now see!" Bati ni Don Gener sa mga kasosyo nito. Nagbeso- beso din ang mga asawa nila, habang nakangiti namang nakatunghay si Green. Iba pa rin ang gathering ng mga mayayaman kaysa sa mga mahihirap. Punong-puno ng pagka- elegante ang mga mayayaman samantalang ang mga mahihirap mas maingay pa sa nasunugan kapag nagkita-kita ang mga ito. "Oh, by the way this Green my daughter