Nagkagulo ang mga Nurses at Doktor sa hospital. Gulat na gulat si Green dahil galing ito sa chapel ng hospital. Hindi agad siya nakakilos, bigla siyang nakadama ng kaba. Nang mahimasmasan ay tumakip na din siya at baka kay Hunter pupunta ang mga nagkakagulo. Humahangos itong nakarating sa ICU kung saan naroon ang kanyang asawa. "Dito ba nagpunta ang mga Nurses at Doktor?" agad niyang tanong sa dalwang bodyguards na bantay sa labas ng ICU. "Hindi Senyorita sa room ni Sir Jacob sila nagtungo!" Sagot ng dalawa. "Ganoon ba? Sige, pupuntahan ko sila at baka nagising na si Jacob." Tarantang wika ni Green at tumakbo na naman ito. Magkahalong saya at pag-asa ang nararamdaman ni Green sa mga oras na iyon. Kung gising na nga si Jacob solved na ang kanilang kaso. Dahil gagawin nilang star witness