Kuyom ang mga kamao ni Green nang marinig lahat ng kumpisal ni Akirah. Halos magsikip ang kanyang dibdib dahil sa galit at poot para kay Joyce sa lahat ng ginawa nitong masama. Ang kulong ay hindi sapat para kay Joyce dapat sa kanya ay balatan ng buhay. "Nakaka-poot ang mga kahayupang ginawa niyong dalawa walang kapatawaran." Madiing wika ni Green na nag-aapoy ang mga mata nito sa galit. Napayakap naman si Akirah sa sarili nito, laglag din ang kanyang mga balitak she betrayed Joyce that time. She had no choice, kaligtasan ng kanyang pamilya ang nakataya kung hindi siya magsasalita at aamin. "Any regrets?" tanong pa ni Green kay Akirah. Nag- iwas naman ng tingin si Akirah. "Palabasin mo na ako." Ngarag ang boses nito. Napaismid si Green, maaawa sana siya kay Akirah subalit huwag na la