~(THERESE DEL MUNDO POV) May lalaking pumasok sa loob at bumulong kay Espinosa. Napangisi ito sa kung ano mang sinabi ng tauhan niya. "Malapit nang magsimula ang palabas." Sinubukan kong kumawala pero nauubusan na ako ng lakas at masyadong mahigpit ang tali sa mga kamay ko. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nasa loob ng silid na iyon. "Excited na ba kayong makita ang bisita ko?" He's crazy. He's really crazy. Tumawa ito at binuga ang usok ng sigarilyo na hinitit niya. "Pasok." Narinig kong bumukas ang pinto. Gusto nang tumulo ng mga luha ko nang makita ko si Kier. No... hindi dapat siya dumating. Hindi na dapat siya nagpunta... Nakita ko kung paano napakuyom ang mga palad nito. Alam kong nagpipigil na ito ng galit. "Anong masasabi mo sa surprise ko, Sandoval?" Kier... he