~(THERESE DEL MUNDO POV) Humigpit ang kapit ko sa manibela. I heard it.... I heard everything. Para akong sinabuyan ng malamig na tubig. Naramdaman ko na lang pagtulo ng mainit na likido sa pisngi ko. Pakiramdam ko unti-unti may tumutusok sa dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay ko pero pinilit kong magmaneho. Hinayaan kong mamasa ang mga mata. Hinayaan ko ang sarili kong punasan ang mga luha ko. I could feel his worry hanggang sa makarating kami ng ospital. Pabalik-balik siya sa harap ng operaring room and I was just there sitting at the corner still contemplating everything that happened. Hindi ako makagalaw. Tila lahat ng parte ng katawan ko may sugat. ~(KIER JOYVE SANDOVAL POV) Nagpabalik-balik ako hanggang sa sabihin ng doctor na in stable condition na ito. Umupo ako sa tabi