JANINE GONZALES XIAN'S POINT OF VIEW TULUYANG hindi pinayagan ng boss niya na mag- leave si Lucian sa kabuwanan ko. Sa halip, inutusan pa niya ito na sumama sa isang seminar para ipresent ang kaniyang paper na matagal na dapat niya naipresent. Actually, okay lang naman sa akin na umalis siya dahil matatapos din ang seminar bago ang due ko. Sigurado akong makakarating siya para samahan ako saka matagal na niyang nagawa ang papers na ‘yon at pag apruba na lang ang kailangan. Nakapasa kasi ito sa taste ng pinakaboss nila kaya naatat na itong maipresent niya iyon sa kanilang kumpanya. “Sigurado ka bang okay lang na iwan kita dito ah?” He asked me. Tumango ako sa kaniya bilang sagot. “Oo naman, madami akong kasama dito. Si Mama, Janella tapos si Kaizer e' on call lang din naman. Saka ‘di

