JANINE GONZALES XIAN’S POINT OF VIEW “KAIZER! Mabuti dumating ka! Mabuti naman! Urgh! Grabe!” sigaw ko kay Kaizer pagpasok palang niya sa loob ng bahay namin. Buong gabi ko kinukulit si Lucian na tawagan siya para may mapaglaruan ako ngayon. Ewan ko ba pero gustong- gusto ko siya makita para lang panggigilan. Normal lang ba ito? Hindi pa ba ako nakukuntento sa panggigil kay Chess at pangbu-bully sa aking asawa? Nang mapasok si Kaizer ay tumingin siya kay Lucian, babatiin sana niya ito pero umirap lang ang asawa ko. Napabuntong hininga na lamang ako pakiramdam ko nasira ang friendship nila dahil sa akin. Bakit pa kasi kailangang mawala ng ala-ala ko? Sana ay walang nangyaring ganito. Mula kasi ng makabalik kami hanggang ngayon ‘di pa rin sila tuluyang nagkakabati dalawa kahit na gumalin

