Trouble #62: Eraser JANINE GONZALES XIAN’S POINT OF VIEW LUMIPAS muli ang isang linggo at hindi ko alam kung paano ako nasundan ng Kaizer na ‘yon madalas ko kasi siyang nakikita na nasa labas ng bahay tuwing gabi at naghihintay habang nakamasid sa akin. Para siyang maligno o engkanto sa ginagawa niya. Mabuti sana kung kaputian e nagmumukha namang lamang lupa. Pasalamat siya at may itsura siya at attractive kung ‘di baka nagtatawag na ng pulis ang aming mga kapitbahay. Magsumbong na kaya ako sa mga pulis para mahuli na siya? Nakakatakot na kasi ang ginagawa niya. Tulad ngayon gabi, nandito muli siya sa labas ng bahay namin. Tumingin ako kay Troy at nakita kong tulog na tulog na siya, kailangan ko nang kausapin ang lalaking ito. Kinuha ko ang bath robe ko, dahan-dahan akong nagbihis at s

