KAIZER WESLEY SONG’S POINT OF VIEW I’M SITTING alone in my hotel room, secretly smiling as I remember everything. Naalala ko kasi kung paano nagtama ang mga labi namin, malapit na ata ako sa tagumpay. At kapag nangyari iyon, I will live with her and make her happy, give her a life with no complications at all. Tumunog ulit ang phone ko, mga tawag na naman galing kay Lucian. Ayokong magbigay ng clue na nasa Hawaii ako. Gusto kong mauna sa lahat ng bagay. Kailangan ko siyang makuha bago pa man siya makita nito. Alam kong makasarili ang move ko pero akin si Janine. Akin lang siya. Akin na ulit siya. Tinapon ko ang pinagbihisan kong damit sa kama at kumuha ako ng panibagong damit. Nagbihis na ako para puntahan ulit si Janine. Gusto kong makasama pa siya ulit. Hinding hindi ko na siya papa

