JANINE LEE GONZALES’ POINT OF VIEW NAGISING ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Lahat nang natatanaw ko sa kwarto na 'to ay hindi pamilyar. Hindi pamilyar ang lugar na ‘yon pero ilang araw na akong nagigising sa kwartong iyon. Hanggang sa naalala ko kung ano ba ang nangyari sa akin. Tama, kinuha ako ni Vincent. Sinira niya ang nalalapit na kasal namin ni Lucian para lang kunin ako. Nakarinig ako ng mga alon mula sa labas. Dahan-dahan kong naigalaw ang ulo ko at binaling ko ‘to sa bandang kaliwa at nakita ko siya sa tabi ko na natutulog. Wala naman siyang ginawa sa akin hindi ko nga lang mawari kung ilang araw na ako dito. Hindi ko maigalaw ang ang hanggang sa beywang ko pero pakiramdam ko pwede akong gumulong. Tatakas ako, tama iyon ang dapat kong gawin. Ang tumakas sa puder niya.

