JANINE GONZALES XIAN'S POINT OF VIEW MATAPOS ang dalawang linggo pa sa hospital, umuwi na kami ni Lucian sa bahay namin. Ewan ko ba pero nawalan ako ng gana, nung mawala ang anak namin, nawalan ako ng gana sa buhay ko. Biglaan akong nagsawa, para akong nanghina. Natakot ako, pakiramdam ko pag magkakaanak ulit kami o mabubuntis ako mamatay na naman ng dahil sa akin. “Janine. gusto mo ba ng fried eggs ha? Magpiprito na ba ako o mas gusto mo ng Milo? Or do you want both?” tanong niya sa akin. Si Lucian, hands on siya sa pag-aalaga sa akin ngayon. Sinisikap niyang gawing madali ang lahat para sa akin pero hindi eh. Iba yung epekto. Masakit isipin na buo na yung baby tapos nalusaw sa loob ko. Pakiramdam ko ‘di ko naalagaan ang sarili ko at di ko napansin na may mali pala nung mga oras na iy

