JANINE GONZALES XIAN’S POINT OF VIEW NAGISING ako kasi nararamdaman ko ang ilong ni Lucian na sinisinghot ang kili kili ko. Sa tangos ng ilong niya pakiramdam ko natutusok na ang kili-kili ko. Nakikiliti tuloy ako at medyo natatawa. Mabuti naligo ako kagabi kung ‘di baka amoy vinegar ang maamoy niya. “Janine, wake up na!” Mahigit walong buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang lahat. The days flew by fast, and the things that we use to fear slowly faded away. Mabilis masyado ang oras at naeenjoy na namin ni Lucian, ang pangalawang pagkakataon na magkasama kaming dalawa kung sa tutuusin mas masaya. Wala na akong balita kayVincent, ang huling sabi ni Lucian ay bumalik na daw ito ng China at pina-deport na doon. He made sure that he won't be able to return in the Philippines and asked K

