JANINE GONZALES XIAN’S POINT OF VIEW DAHIL sa pagkainip ko ay napagpasiyahan kong umalis na lang ng bahay para dalawin si Lucian sa kaniyang office. Gusto ko kasing madalaw siya sa bago niyang trabaho.Nakakuha siya nang magandang trabaho at magandang posisyon sa kanyang bagong work. Inalok siya ni Jaden sa bumalik na lang sa Publishing Company pero hindi pumayag si Lucian dahil gusto niya ang mas malaking salary offer. Sabagay, sagot ni Lucian ang mga gamot at pangpa-check up ko kaya naging matalino lang siya sa paghahanap ng kanyang trabaho. Ang sabi ni Lucian kahit saglit pa lang siya sa work niya e' nakapila na siya para sa promotion. Matalino kasi siya at magaling pa. Sa totoo niyan sobrang proud ko sa asawa ko kasi sa kabila nang mga pinagdaanan namin ay magaling pa siya sa kanyang

