JANINE GONZALES XIAN’S POINT OF VIEW NANGINGINIG ako habang iniisip na nagsisimula nang mangyari ang lahat ayon sa plano ni Vincent at kahit anong tanggi ko. Iyon ang katotohanan na hindi ko maitatanggi. May kontrol na siya sa buhay ko, at may hawak din niya ang buhay nang dalawang taong mahalaga sa akin. Ayokong mapahamak sila, ayokong mawalan sila ng opportunidad para maging masaya. Ayokong mawala si Lucian sa akin at ayoko na mawala ang bagong buhay na mayro'n si Kaizer bilang si Jesse Suarez. He’s already been through enough. Muli akong napatingin sa aking cellphone at nakita ko na naman ang message ni Vincent sa akin. Just have your time. Maging masaya ka na hanggang kaya mo pa. Just keep this mind, start working on our plans, Janine. Make sure that people would notice your infide

