JANINE GONZALES XIAN'S POINT OF VIEW NANDITO ako ngayon sa loob ng office ni Sir. Jaden dahil sa gusto ko iwasan si Jesse nang tuluyan. Magpapalipat ako ng department hanggang sa pagre-resign ko. Nabanggit ko na baka lumipat na kami sa Beijing at gusto ko pa ring lumipat kahit na ganoon. Susubukan ko pang umiwas sa kanya. Susubukan ko pa ring tumakas kay Vincent at maghihintay hanggang pumunta kami sa Beijing ni Lucian. Hindi ko kailangan magpauto kay Vincent o' ang maapektohan sa katotohanan na si Kaizer ay si Jesse. Si Lucian ang present ko, at tanging siya lang habang buhay. Ayokong maging dahilan para mas gumulo ang lahat sa buhay namin. Gusto ko maging masaya na lang kami. Ako, si Lucian at si Kaizer, gusto ko mahanap na namin ang peace sa aming buhay. “About your request..” saad ni

