JANINE GONZALES XIAN’S POINT OF VIEW DITO ka lang…” bulong ko kay Kaizer dahil nagpaalam na siyang aalis na siya tapos itong Lucian naman na mukhang baklang babae e sobrang sama ng tingin sa akin. Tawagin ba naman akong asawa niya. Hindi ko siya naalala please? saka impossible naman pumatol ako sa mukhang bakla. Excuse me, ang pangit niya. Hindi ko siya type, over my bruised yet sexy body, no! Si Kaizer lang ang naalala ko ang type ko dahil siya ang naalala ko. “Janine, I can't stay for tonight. Kailangan niyo ni Lucian ng oras para sa isa’t-isa. You need to remember him.” mahinahon niyang saad sa akin. “Ayoko nga sa kanya. Mukha siyang lampa tapos hindi ko siya naalala. At saka kung ‘di ikaw ang asawa ko e’ bakit ka magsisinungaling nang ganoon?! ” Sigaw ko kay Kaizer saka ako naupo

