JANINE GONZALES XIAN’S POINT OF VIEW HINDI ako makatulog ng maayos dahil sa nag-aalala ako sa ‘di malamang dahilan. I feel like something will happen sa anak kong si Voltaire, my desperation to see that child risen up. I need to see him. Tumingin ako kay Lucian na nahihimbing na at mahina pang naghihilik. Bumaligtad ako sa higaan nang ilan pang beses dahil ‘di na talaga ako mapakali. Agad akong bumangon at dahan- dahang kinuha ang jacket ni Lucian na nakalapag sa lamesa. Sinuot ko iyon para makaalis na ako ng maayos, buo na ang loob ko. Kailangan kong mabalikan si Voltaire. Dahan dahan akong umalis ng kwarto ni Lucian at lumabas sa hotel room na iyon. Nagtinginan sa akin ang mga tao dahil sa nagmamadali at balisa kong itsura. Nagmadali akong tumakbo paalis nang lugar na ‘yon. Alam ko

