SAMANTHA AIDEN CARBONELL __ Nagising ako sa hindi pamilyar na silid. I was worried for a while, but I remembered na ito ang pinuntahan ko kagabi. Pumikit ako nang mariin habang nararamdaman ko ang pagsakit ng ulo ko. Dahan-dahan akong bumangon. Napansin ko agad ang damit na nakahanda sa ibabaw ng kama. I rested for a while bago ako tuluyang tumayo mula sa kama. Inikot ko pa ang tingin ko sa paligid. The room was minimalistic yet elegant. Hinanap ko ang bathroom doon. I looked at myself in the mirror and I was disappointed. I knew I was so drunk last night. Napansin ko rin sa ibabaw ng sink and nakahandang tuwalya, bathrobe, toothbrush, at ilang pang mga gamit pangligo. Inabot ko ang toothbrush at ang toothpaste. Habang nagsisipilyo, napansin ko ang dalawang toothbrush na nakalag