SAMANTHA AIDEN CARBONELL __ Dahan-dahang pumasok si Willow sa opisina ko habang pailalim na nakatingin sa akin. Tuluyan itong huminto nang makarating sa harapan ko at humawak sa baywang niya. "Nakakangiti ka na. Huhulaan ko, hmm..." Nakangiting bumaling ako sa folder na binubuklat ko sa harap ng file cabinet. Tinanggal ko rin ang tingin ko roon nang kuhanin nito ang pisngi ko. "Patingin nga." Inusisa nito ang mukha ko bago silipin ang bawat sulok ng leeg ko. "Ayun... naka-marka na naman ang teritoryo. Iba 'yung kislap ng ngiti mo, eh." Nakaalis na ito nang magising ako kanina, but I could still remember everything we shared. I just felt him... a bit aggressive yet worried about hurting me. "Nag-I love you too ka na pagkatapos ninyong mag-iskandalo ng laplapan kagabi? Gosh, I was