SAMANTHA AIDEN CARBONELL __ "Pinuntahan mo na naman?" Nag-angat ako ng tingin kay Willow na nakaupo sa harap ng mesa ko. "Tingnan mo iyang braso at kamay mo. Nagkanda-sugat-sugat na kaaakyat ng bundok. Ganiyan ba talaga ang pagmamahal na sinasabi nilang hahamakin ang lahat?" "I just really need to see him." "Sige na. Hahayaan na kita. Mag-ingat ka lang, hmm?" "Thank you so much, Willow. Thank you for not leaving me." "Ikaw pa ba? Kung saan ka masaya, Sige na, gawin mo na." Bahagya akong ngumiti rito. "Babawi ako sa'yo." Nag-ipit ito ng invisible na buhok sa tainga niya. "Kahit isang isla lang diyan." Mahina akong tumawa. "I don't even have an island. The internet is just exaggerating my net worth." "Ang dami n'yo kayang properties." "I'm not planning to inherit any of it excep