LACHREI BUENAVISTA __ "Saan mo nakuha ang mga pagkaing 'to?" Dinikit nito ang hintuturo sa tiyan ko at nagsimulang gumuhit ng hugis tao at ng bahay. I understood na tao ang tinutukoy niya na marahil nagka-camping. "Sigurado ka hindi ka nasundan?" Gumuhit ito ng pahabang linya sa katawan ko na ibig sabihin ay 'oo.' Inamoy ko pa ang karneng dala niya. Hindi pa naman iyon sira. Puwede pa naming gawing almusal. "Huwag kang lalayo at pupunta malapit sa ilog. Baka mapagdiskitahan ka ng mga tao sa baba. Halika na, kumain na tayo." Kinapa ko ang bukasan ng lata at nilagay ang laman sa dahoon ng saging. Inamoy ko iyon at nalaman ko agad na tuna. What I did the whole day was create a crossbow. A small one for him. Ilang araw ko rin iyong binuo. Gusto ko siyang turuan kung paano iyon gamitin