Chapter 5

1578 Words
Rohesia's POV Nagising ako nang maga-alas sais ng umaga. Tulog na tulog pa si Ada sa aking tabi, yakap na niya ang kaniyang stuff toy. Dumiretso ako sa CR oara mag-hilamos at toothbrush. Pagkatapos ko ay pinuyod ko ang aking buhok, sakto naman ay nagising din si Ada. Kunot ang noo nito at mahigpit pa rin ang yakap sa kaniyang stuff toy. Ngumiti ako sa kaniya. "Good morning, Ada. Let's go downstairs na? Can you help me cook?" I muttered. She pouts her lips before nodding. Binuhat ko siya at nang makababa na kami ay inilagay ko siya sa kaniyang upuan. Its a children's chair, may strap para hindi siya mahulog kahit mag-likot siya. I prepared her food muna. Mashed potato, avocado and orange juice. Kumuha rin ako ng french fries sa refrigerator. Namangha pa nga ako sa ref nila dahil punong puno ng laman ito, ganuon din ang pantry nila. When I'm done preparing her food ay ibinigay ko na sa kaniya. "Dahan dahan sa fries baby ha. Its medyo hot pa po. Okay?" Tumango siya. "Kay po, yink you Mama." she muttered and I froze. Akala ko hindi na niya ako tatawagin na Mama dahil akala ko namamalikmata lang siya kahapon. "A-Ada, it's Nanny Rohesia. Not Mama." Hindi niya na ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Napakamot na lamang ako sa aking pisngi at niligpit ang mga gamit na ginamit ko para magawa ang almusal ni Ada. I'm not obligated to cook and wash for the dishes dahil may ibang gagawa nun. My only responsibility is to make food for Ada and feed her and make her sleep. Then, repeat. While Ada is busy eating her food, I made my self a coffee. Halos mabobo pa ako dahil hindi ko alam gamitin ang coffee maker na ito. Nang matapos na ako ay sakto rin na bumaba na si Gage. He's wearing his business suit kaya natatakpan na ang kaniyang mga tattoo. He kissed Ada's forehead and turn to me. Kimi akong ngumiti sa kaniya. Pinilit kong huwag mamula nang maalala ko na naman ang aksidente niyang paghawak sa aking boobs kagabi. Umupo siya katabi ni Ada sa right side, ako naman ay sa left side. "Morning, Dada. You will go work aldeady?" she asks Gage, nabulol pa sa pag-pronounce ng 'already.' Cute. Gage nodded. Biglang may dumating na maid at agad na ipinaghain si Gage. Sikreto akong napataas ng kilay, sosyal may taga-sandok pa. Sana all. Kinuha ko ang towel na nasa aking kandungan at pinunasan ang pisngi ni Ada. Nalagyan kasi ng ketchup at may nakadikit pang avocado. She took her sip cup and sipped on it. Humigop ako nang kaunti sa aking kape. Napatingin ako kay Gage nang may ilapag siyang ATM Card sa aking harap. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "You can use it if Aldreada wants to buy something." He muttered. "You can bring her to the mall too, if you want in your house too." Hindi pa ako nakakapagsalita nang maunahan na ako ni Ada, nanlalaki ang mata nito habang nakatingin sa ama. "Mall! Mall!" she chanted cutely. Gage chuckled and kissed Ada's forehead again. "You can't go to the mall for now. What about you go to Nanny's house instead?" He bribed. Nakakaintinding tumango ang bata bago bumaling sa akin, malapad ang ngiti at puro dungis ang kamay dahil sa ketchup. "We will go to your w-wouse, Mama?" she said. Agad na nanlaki ang aking mata nang tawagin niya na naman akong Mama. Lumunok ako at humarap kay Gage, nakatingin siya sa anak pati sa akin. Umiling iling ako at dinuro siya. "H-Hoy, wala akong sinabi na tawagin niya akong Mama ha. Siya lang nagsabi mag-isa nun, sabi ko nga Nanny pero ayaw niya!" defensive na sagot ko. Takot na baka mag-isip pa siya ng iba. He chuckled. "I didn't even say anything." Inirapan ko siya at binuhat na si Ada dahil tapos na siya kumain. Nagpunta kami sa lababo at doon ko siya hinilamusan at hinugasan ng kamay. Hagikgik pa siya nang hagikgik dahil malamig ang tubig, pati tuloy ako ay natatawa. "Gusto mo sumama kay Nanny mamaya? May brother and sister ako, you wanna meet them?" pagkakausap ko sa kaniya. Inilapag ko siya sa sink at pinunasan ng tuyong towel. She nodded excitedly. "Adeada wear p-pink dresshes! And a crown too. Pwease, Mama?" she muttered, staring up to me. Alanganin akong ngumiti sa kaniya dahil tinawag na naman niya akong Mama, nasa likod pa naman namin ang feelingero niyang tatay. "Okay. Pink dress and a crown then. What else? Do you want... to bring Mimi with you?" I muttered excitedly so I can match my feelings with her. Tumili siya at agressive na tumango tango kaya natawa ako nang kaunti. Mimi is her stuff toy. Binuhat ko na uli siya at naglakad papalapit sa kaniyang Dada, she kiss her Dada's lips and wave her little hand. "B-babwye, Dada! Adeada will go to Mama's wouse! I pwomise I will bevave!" bulol bulol na saad niya. Napangiti naman ako. I look at Gage, he wiped his lips using the napkin table and kissed Ada's forehead. Pagtapos ay tumingin siya sa akin, tumaas ang aking kilay. "Have fun, then." he muttered while looking at me. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil grabe siya makatitig. "Babwye, Dada! Adeada wav you!" "Dada loves my princess too." HINATID muna kami ni Gage bago siya dumiretso sa trabaho. Hawak ko si Ada na tahimik sa aking tabi at palinga linga sa paligid, may suot siyang pink bag pack at yakap naman niya si Mimi. Si Arjay ang unang bumungad sa akin nang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata niya nang makita ako. Hindi kasi ako nagsabi na uuwi ako. Ngumiti ako sa kaniya. "Ate!" sigaw niya bago ako dinamba ng yakap. Muntik pa kaming matumba, agad ko naman siyang sinaway dahil baka maapakan niya si Ada. "Namiss kita, Ate! Akala ko sa linggo ka pa uuwi eh!" "Ginala ko lang si Ada, uuwi rin kami mamayang gabi. Asan si Nanay at Jade?" tanong ko habang papasok sa loob ng bahay. Mahigpit pa rin ang kapit sa akin ni Ada. "Nasa kusina si Nanay, nasa kwarto naman 'yung ampon mong pangit." simangot na anas niya, hinampas ko ang balikat niya. "Arjay, ang bunganga mo talaga!" "Mama, carry me pwease." Ada said. Agad ko naman siyang binuhat at doon na napunta ang atensyon ni Arjay. Sumimangot ito lalo at sinamaan ng tingin ang batang buhat ko. Napailing na lang ako, isip bata. Binelatan ni Ada si Arjay bago siya nagtago sa aking leeg, natawa ako. Umirap si Arjay bago nagdadabog na pumasok sa kwarto niya. Hay nako, ang selosong bunso. Hindi bale, bibigyan ko na lang siya ng pang-bili niya ng diamonds sa mobile legends mamaya. Tinext niya ako kagabi eh, puro please pa. Pumasok ako sa kusina at doon ko nakita si Mama na nagluluto. Nandoon din si Papa na nagbabasa ng diyaryo at may kape sa harap, si Jade din ay naroon, natulong siya sa paghiwa ng sibuyas. Adobong manok ata ang ulam. "Adobo ba 'yan?" tanong ko at lahat sila napatingin sa akin bago sa hawak kong bata. Kumurap kurap si Ada at nag-wave sa kanila bago yumakap uli sa akin. Napangiti ako. She's shy. "Ay hala, ka-cute na bata naman niyan!" pinatay ni Mama ang stove. Naghugas siya ng kamay bago lumapit sa amin. Kinuha niya sa akin si Ada na agad namang sumama sa kaniya. Panay ang papuri ni Mama sa kaniya. "Ang ganda ganda naman ay. Anong pangalan mo?" malambing na tanong ni Mama kasunod nun ay ang paglagabog sa kwarto ni Arjay. Napatingin sa akin si Mama, napailing na lang si Papa. Tumabi ako kay Papa. "Wala bang pasok ang isang 'yon?" Tumawa si Papa. Tinupi niya ang diyaryo bago ako hinalikan sa noo. "Tinatamad daw siya, palusot niya ay masakit ang tiyan niya. Alam mo namang hindi takot sa Mama mo 'yan kaya hindi na napilit pa." Tumango tango ako. Ang batang iyon, akala ko pa naman ay magsisipag na siya sa pagpasok dahil may cellphone na siya. Kailan kaya titino ang isang 'yon? Bumaling ako kay Jade at nakitang nakatingin siya sa akin. Nginitian ko siya at tinapik ang tabi kong upuan, agad naman siyang tumabi sa akin. "Hindi ka rin pumasok?" tanong ko sa kaniya. Umiling siya at kimi na ngumiti sa akin. "Nag-stop na ako, Ate. Okay na naman ako, mas maganda kung magta-trabaho muna ako tapos pag-hindi na problema ang pera magc-college na ako." Anas niya. Naiintindihan ko siya. Mahirap ang pera sa college, lalo pa't alam ko na kukulangin siya sa tuition fee. May scholarship man, paano naman ang mga ambag sa mga thesis at projects? "Naku, pagsabihan mo 'yong kapatid mong lalaki Rohesia ha. Namumuro na iyon, aba'y tama ba naman na irap irapan itong si Jade, puro pabalang pa ang sagot kapag nagtatanong itong si Jade." umiling iling si Mama. Inayos niya ang buhok ni Ada. "Hindi na ba nangbababae?" tanong ko. "Mabuti't hindi na nga." Kinamot ko ang aking pisngi. Siguro magtitino lang itong lalaki na 'to kapag may nakatapat ito eh. Nakikinig naman siya sa akin pero dahil nga wala na ako sa bahay ay pasaway na naman siya. "Pero baka sa pisbook ay may mga babae 'yan. Aba'y panay ang tipa sa cellphone buong maghapon. Diyos ko, titino na lang siguro 'yan kapag nakabuntis na 'yan eh." tuloy tuloy na sabi ni Mama. At hindi nga siya nagkamali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD