Rohesia's POV
2 months later...
I was napping with Ada nang may kumatok sa aking pinto. Pupungas pungas akong tumayo at nakitang si Ate Gerry pala ito, isa sa mga maids ni Gage. May hawak itong paper bag.
"Bakit, Ate? May problema ba?" tanong ko.
Umiling siya at ngumiti sa akin. Inabot niya sa akin ang paper bag pero tinignan ko lang 'yon, tumaas ang aking kilay. "Pinadala ni Sir Gage, ang sabi niya ay ipagamit mo raw kay Ada para makausap siya." Ate Gerry said.
Dahan dahan akong tumango. Kinuha ko ang paper bag at nagpasalamat kay Ate bago ko sinarado ang pinto, inilapag ko muna sa kama ang paper bag at tumabi kay Ada para matulog ulit.
Sabay kaming nagising ni Ada and I let her unbox the iPad Pro her Dada got her. Kulay pink ito at naka-engrave ang pangalan niya sa likod kaya naman tuwang tuwa ang bata. Ako ang nag-bukas ng power button and it's set up already.
Naka-connect na rin ito sa WiFi kaya naman hindi na ako nagulat nang makatanggap ng tawag from Gage using skype. I answered it. Bumungad sa aking paningin ang nakahiga at topless na si Gage.
Sakop niya ang buong kama at nasa ilalim ng ulo niya ang kaniyang kamay. Natatakpan din ng kumot ang vline niya kaya naman kitang kita ang mga tattoo niya pati na rin ang abs. Kinagat ko ang aking labi at winaglit ang nagwawala kong puso.
After 2 months ngayon ko na lang uli siya nakita. Pagtapos kasi namin bumisita kanila Mama ay kinailangan niyang pumunta sa ibang bansa dahil nagka-problema ang isang branch ng kompanya niya. Ada cried so hard but I did my best to convince her that her Dada will be back din naman.
"Hi Dada, miss you!" Ada greeted Gage cheerfully.
Hindi ko narinig ang sinagot ni Gage dahil tumayo ako at inayos ang higaan ko. Ada watch me with her wide eyes, binabantayan ako kung aalis ba ako. Pinigilan ko ang aking ngiti. Napaka-clingy din ng isang 'to. Nang matapos ako ay umupo na uli ako sa kama. Ada immediately made her way to me and sat on my lap, dahilan para mapasama ako sa camera. For sure kita na ako ni Gage.
"When are you going home, Dada? Mama always said 'tomorrow' when I'm asking. But you're still not in here." medyo nabubulol pang saad ni Ada.
Sinasabi ko 'yon dahil hindi ko naman alam kung kailan uuwi si Gage, kapag hindi ko naman siya sinasagot ay umiiyak siya.
"Dada is on the way. I'm on the plane now." sagot ni Gage kay Ada, tuwang tuwa naman ang bata.
Weh? Eh bakit nasa kama pa rin siya kung ganoon? s**m, nang-uuto lang ng bata eh.
They talk for exactly thirty minutes nang magpaalam na si Gage. Sakto nun ay nakatanggap ako ng tawag kay Mama na agad kong sinagot.
"Ano 'yon, Ma?" tanong ko. Sinuklay ko ang buhok ni Ada habang nakaipit ang cellphone sa aking balikat.
"Diyos ko, Rohesia. Ang kapatid mong lalaki! Umuwi ka muna rito." anas ni Mama, hindi pa ako nakakasagot ay pinatay niya na agad.
Agad akong dinamba ng kaba. Ano namang nangyari sa pasaway na 'yon? I tried to calm my self, tinapos ko ang pag-ipit kay Ada. Agad ko siyang binuhat at tinawag ang isang driver para ihatid kami sa bahay.
"We will go to Lola, Mama?" Ada ask when I put her seatbelt on. Kimi akong ngumiti sa kaniya at tumango, humagikgik naman siya at yumakap sa akin.
On the way I tried to contact Mama pero hindi niya sinasagot. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Bakit ba kasi ang hilig mambitin ni Mama? Jusko naman. Kaya naman pagkatigil pa lang ng sasakyan ay agad kong binuhat si Ada at tinakbo ang bahay namin.
Hingal na hingal ako nang makarating sa bahay at doon ay nakita ko silang lahat na lugmok ang mga awra. Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Arjay na nakaupo at nakayuko. Napakamot ako sa aking pisngi, jusmiyo akala ko kung napaano na.
"Anong nangyayari dito? Mama, pinakaba mo ako! Akala ko naman kung anong nangyari diyan sa bunso mo!" frustrated na anas ko. Ibinaba ko si Ada na agad namang umupo sa isang tabi at pinagmasdan ang mga tao sa paligid niya.
I notice Jade on Arjay's side. Nakayuko rin ito at naririnig kong sumisinghot pa. Teka, umiyak ba siya? Agad ko siyang nilapitan, umupo ako sa tabi niya at hinawakan siya sa likod. "Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" tanong ko pero mas lalo lang itong umiyak. Tumingin ako kay Mama, napailing ito at bumuntong hininga.
Walang nagsalita habang ako ay tanong nang tanong. Mas lalo akong nainis. "Ano? Walang magsasabi sakin? Halos mamatay ako sa kaba dahil sa tawag na 'yon! Ano Arjay, ano na namang ginawa mo?" inis na inis na anas ko. Mas lalo lang yumuko ang kapatid ko.
Bumuntong hininga ako at pinigilan ang sarili ko na huwag mag-outburst dito at baka mapagsalitaan ko pa sila ng masama. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Nanlaki ang aking mata nang pumasok doon si Gage na naka-business suit pa. Akala ko ba nasa plane pa siya?
"Dada!" Ada screamed before running to her Papa.
Kinagat ko ang aking labi at umiwas ng tingin nang tumingin siya sa akin. Hindi niya eksena 'to, eksena 'to ng kapatid kong magaling kaya hindi dapat ako matuwa na nakauwi na nga siya! Shutanginang kalandian ko talaga. Naputol ang kasiyahan ko sa pagdating ni Gage nang magsalita si Mama.
"Noong mga nakaraang araw napansin ko panay ang pagsusuka ni Jade sa umaga at bumagsak din ang katawan. May tatlo akong anak kaya alam ko na agad kung bakit." si Mama, nanlaki ang aking mata at agad na napatingin kay Jade na panay pa rin ang iyak. Buntis siya? At ano namang kinalaman ni Arjay dito?
"Tinanong ko siya kung nagkaroon siya ng regla noong nakaraang buwan at hindi raw. Bumili ako ng pregnancy test sa botika at pinagamit iyon sa kaniya. At positive iyon!" naiiyak na anas ni Mama habang ako ay nalilito pa rin. Tapos?
"Iyan, iyang magaling mong kapatid ang ama!"
Mas lalong nanlaki ang aking mata. Napahawak ako sa aking dibdib at gulat na napatingin sa dalawang katabi ko. Shutangina!
Ilang minuto kaming natahimik. Ako ay nakatitig sa dalawang parehas na nakayuko at pina-process ang sinabi ni Mama. Nang makabawi ako ay agad kong hinubad ang aking tsinelas at mahinang ibinato kay Arjay iyon. "Jusko ka, hindi ka pa tapos sa pag-aaral mo ni wala ka pang trabaho miski part time job lang tapos ito? Nakabuntis ka agad!" galit na galit na anas ko.
Pati ako ay napaiyak na rin dahil sa inis at galit. "Hindi niyo man lang naisip gumamit ng concentrative pills o kaya condom! Ano? Paano na ang pag-aaral ni Jade ngayon? Ha? Ikaw, Arjay? Paano mo masusustentuhan 'yang si Jade?" I said angrily.
Naunahan pa ako magkaanak ng isang 'to! Ito ako, walang boyfriend pero siya ay magkaka-anak na!
Pinunasan ko ang luha sa aking mata at kinalma ang aking sarili. Naglakad ako papalapit kay Gage at naupo sa tabi niya, dito kasi ay malayo ako kay Arjay. Baka pag malapit ako sa kaniya ay mabato ko na naman siya ng tsinelas.
Napansin ko na wala na si Ada sa loob. Baka ibinigay muna kay Elaine dahil baka marinig pa ang mga pinagsasabi ko kanina. Bumuntong hininga ako at frustrated na pinunasan ang luha sa aking mata pero agad akong napatigil nang hawakan ni Gage ang palad ko na ipangpupunas ko sana sa aking luha.
Marahan siyang umiling kaya naman inirapan ko siya dahil di ko siya na-gets. May kinuha siya sa bulsa niya and it's his Hermes towel. He gently dabbed it to my moist cheek, kinagat ko ang aking labi at pinagmasdan ang mukha niya.
Seryoso siya habang pinupunasan ang pisngi ko. Naramdaman niya siguro na nakatingin ako sa kaniya dahil tumingin din siya sa akin. He smirk at me. "I know you like me, stop staring at me like that." mayabang na sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at inalis ang pagkakahawak niya sa aking mukha bago siya inirapan. "Ang kapal ng mukha mo. Gusto mo batuhin din kita ng tsinelas?"
He just chuckled. And there, for a moment nakalimutan ko na may problema pala ako because of Gage.
Yeah, he's right. I really really like him.