Gage's POV
I watch how she calmly talk to her brother and Jade. Panay ang paalala niya sa mga ito. She ask Jade if she wants to keep the baby and if she doesn't, kay Jade pa rin ang desisyon kung anong gagawin niya sa batang dinadala niya.
Jade wants to keep the baby and Arjay wants that too. Tila nakahinga naman ng maluwag si Rohesia sa naging desisyon ng dalawa. She smiled at Jade and said something to her na hindi ko na narinig dahil I kept on watching her. The world around us seems to vanish when I am with her.
Umigting ang aking panga at pasimpleng umiling. Damn corny, Gage Salvatore. What the f**k.
Rohesia's POV
Kanina ko pa nararamdaman na pinagmamasdan ako ni Gage pero binalewala ko lang kahit na nakakaramdam ako ng kilig. I talk to Arjay and Jade and I thank God because they want to keep the baby. Nakaramdam din ako ng excitement dahil magiging tita na ako.
"Ang problema ay ang trabaho, Arjay. Ang bayarin sa hospital pati na rin ang check-ups ni Jade, hindi pwedeng sa Ate mo iaasa!" si Mama na kanina pa nagbubunganga. Pabalik balik ito sa harap namin at panay ang paypay sa sarili. Pinainom ko na rin siya ng maintenance niya at baka ma-ospital pa siya.
Bumuntong hininga ako at tumingin kay Mama. "Kumpleto na naman na ang mga papel niyan ni Arjay, Mama. Madali na lang siguro mag-hanap pero mahirap matanggap." pinanlakihan ko ng mata si Arjay na ngumuso at yumuko lang. 'Tong lalaking 'to, magkaka-anak na pero parang bata pa rin umasta.
"He can work for me."
Lahat kami napatingin kay Gage na prenteng nakaupo sa aming upuan. He's manhandling the couch, sakop na sakop niya. Pinanliitan ko siya ng mata. Tumaas ang kilay niya at ngumisi sa akin bago magalang na humarap kay Mama. Halos mapairap ako, sipsip sa mama ko!
Narinig ko ang hagikgik ni Ada mula sa pinto kaya napatingin ako roon. Buhat buhat siya ni Elaine at puros laruan ang mga kamay na hindi ko alam kung saan nanggaling. May mga balot pa iyon, 'yong mga laruan na tag-limang piso lang. May jackstone pa akong nakita.
"Mama!" agad siyang tumakbo papalapit sa akin nang maibaba na siya ni Elaine. Umupo siya sa tabi ko at pinagparte ang mga hita at doon inilagay ang mga laruan niya. Nakakita ako ng coloring book at 'yung kwintas na tag-limang piso.
"Saan galing 'yan? Wala naman ikaw money kanina ah?" I ask her. Inabot niya sa akin ang jackstone kaya naman binuksan ko 'yon at ibinigay sa kaniya.
"Tita Elaine bought it for Ada!" she muttered excitedly. Malakas niyang ipinaumpog ang bola ng jackstone sa sahig. Lumipad ang bola sa kung saan, lumingon lingon naman siya pero nang hindi niya mahanap ay hindi na siya naghanap pa. Napangiti ako.
"Mali naman maglaro. Ganito oh!" pinulot ni Arjay ang bola bago kinuha kay Ada ang pink na mga pebbles. Pinabayaan ko na sila maglaro doon, nilapitan ko si Jade na busy sa paglantak sa mangga.
"Anong nararamdaman mo?" tanong ko sa kaniya. Agad siyang napatingin sakin, umiling iling siya at ngumiti sa akin.
"I know its wrong to ask this but... kayo na ba ni Arjay?" napatigil siya sa pagkain at sumulyap sa kapatid ko na busy sa paglalaro kay Ada. Tapos ay tumingin siya sa akin at dahan dahan na tumango. Halos mapairap naman ako, 'tong Arjay na 'to. Nung una ay galit na galit kay Jade pero tignan mo nga naman!
"Pasensya ka na, Jade. Malandi kasi talaga 'yang kapatid ko. Pero seryosong usapan, huwag ka mahihiya lumapit sa akin kung may problema ka."
BUMALIK na rin kami sa bahay nila Gage. Kasalukuyan akong nasa salas kasama si Ada, nilalaro namin ang jackstone niya. Ayaw ko na nga sana kaso nag-iiyak, wala naman akong choice kundi makipag-laro talaga sa kaniya.
"Tama na, baby. Halika na, matutulog na tayo." anas ko na agad niyang tinutulan. Idinabog niya ang kaniyang paa sa sahig kaya naman napakamot ako sa aking pisngi. Itong batang 'to talaga!
"Ay ikaw ha, bad 'yon. Dapat hindi mo ginagawa 'yon." marahan ko siyang pinanlakihan ng mata. Humaba ang nguso niya at mas lalong idinabog ang paa niya, halos mapairap naman ako.
"Sige, dito ka lang? Matutulog na ako." tumayo na ako, hindi pa ako nakakalakad ay agad siyang sumabit sa binti ko kaya muntik na akong matawa.
"Mama!" she shouted frustratedly. Umirap ako at binuhat siya, para naman siyang tuko na kumapit sa akin. Pinabayaan ko muna ang laruan niya doon, tiyak na liligpitin naman ng maid 'yon.
"Tapos na ang play time, Ada. It's already 9 oh, look." tinuro ko ang wall clock. "At tsaka hindi ka ba tatabi kay Dada mo? Akala ko ba namiss mo siya?"
"Tatabi Ada kay Dada." cute na sabi niya. Napangiti ako. Nang marating namin ang tapat ng pinto ni Gage ay kumatok ako. Agad naman iyong bumukas at bumungad sa amin si Gage na bagong ligo. He's just on his boxers, wala ng iba.
Pasimple kong hinawakan ang garter ng aking panty, baka kasi malaglag.
I mentally slap my self. Oh my God, ang landi ko. Sumama na agad sa kaniya si Ada kaya naman aalis na sana ako nang tawagin pa ako ni Gage. Pinagtaasan ko siya ng kilay, ngumisi naman siya sa akin.
"No goodnight kiss?" he asks. Nanlaki ang aking mata at hindi makapaniwala na tumingin sa kaniya. Mas lalo siyang ngumiti sakin.
Ako? Gusto niya i-kiss ko siya? Aba'y kung gusto niya edi go. Charot. He chuckled and lowered his head, hinaplos niya ang kaniyang balbas. Namula naman ang aking pisngi. Mali ba ang naisip ko?
"To Ada, Rohesia." he muttered, humor is present at his voice.
I could feel my cheeks turning into crimson. I clenched my fist before looking at Gage, inirapan ko siya at mabilis na hinalikan sa pisngi si Ada. Naramdaman ko pa ang pagtama ng aking pisngi sa kamay ni Gage pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Nag-goodnight ako kay Ada at inirapan ko muli si Gage bago ako umalis doon. Papansin ang isang 'yon, napahiya tuloy ako! Shutangina talaga oh. Hmp, epal. Crush ata ako nun eh.