NAKATINGIN ako ngayon sa camera at binasa ang binigay sa aking script. Heto ang ginagawa namin ngayon, hinati kami sa dalawang grupo at pinapili muna kami kung ano ang aming gagawin, ramp model or TV commercial. TV commercial ang pinili ko para maging handa ako bukas sa shoot namin ni ate Lennore. “Dishwashing na sobrang linis, isang pahid ay magiging makinis!” nakangiti kong sabi sa harap ng camera. “Katrina, lakihan mo pa ang ngiti mo and stiff pa rin ang kilos mo sa camera. Ulit tayo, okay?!” malakas na sabi ni Coach Chi sa akin. “Gusto ko makita iyong ginawa natin last time!” dagdag niyang sabi sa akin. Tumango ako sa kanya. Ni-relax ko ang aking sarili at ngumiti sa harap ng camera. Sinabi ko ulit ang aking linya, sa puntong iyon ay nagustuhan na ni Coach Chi ang aking expression