TATLONG araw ang nakakalipas nang magkulong ako sa aking k'warto. Wala akong kinakausap ni-isa sa kanila. Hindi dahil galit ako, kung ʼdi dahil napapagod na ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi ko alam kung alin doon ang totoo, lalo na sa pinakita ni Godfrey sa akin. Iyong pagiging sweet niya nang mga panahong wala akong naaalala tungkol sa kanya. Kaya gusto kong mag-isa ngayon. Napataas ang tingin ko nang may kumatok sa pinto, tatlong katok at nawala iyon. “Nandito na ang food mo, Katrina. Kumain ka nang marami, ha? Iiwan ko lamang dito ang tray. Tumawag ka lang kapag tapos ka na kumain.” Narinig ko ang sinabi niya sa akin. Kilala ko ang boses niya at boses pa lamang niya ay tumitibok na itong puso ko. Boses ni Godfrey. Hindi ako sumagot at pinili ko na lamang tumahimik muna.