“Guys, mauna na kayo sa garden, dadaan lang ako sa Dean's Office!” sigaw sa amin ni Yago at tumango kami sa kanya. Natapos na ang aming first two class ngayong Monday, lunch break na namin. Hindi ko pala pinaalam kay Yago ang nangyari kaninang umaga. Sinabihan ko rin kasi ang mga classmates ko na huwag na sabihin kay Yago ang tungkol sa nangyari, baka kasi mag-alala na naman siya sa akin. Mabuti na lamang pumayag silang lahat. Tumango kami sa sinabi ni Yago sa amin. Pinapunta na naman siya si Dean's Office, last week din ay ilang beses siya pinapapunta roon. Siguro deans lister si Yago, ano? “Sige, Yago! Mauna na kami sa iyo, hintayin ka na lang namin doo!” malakas na sabi ni Bianca, siya na ang sumagot para sa amin. Lumakad na kaming apat, kasama kasi namin si Kalix. Hindi na nga m