SATURDAY, balik ko sa workshop. Kinausap ko talaga si ate Kathleen na kung pwede ay mag-workshop na ako. Hindi pwedeng habambuhay akong nawala ng memory. Kailangan ko rin iyon maalala, kahit masakit o masayang memory iyon. “Good morning, Katrina! Finally, bumalik ka na rin sa workshop mo! Namiss ka naʼng mga co-models mo roon!” masayang sabi sa akin ni ate Lennore. Isa rin si ate Lennore na sobrang nag-alala sa akin, iyong tipong every minutes ay nakakatanggap ako ng chats o text messages sa kanya. Gano'n niya ako kamahal. “Napilit ko na rin po sa wakas si ate Kathleen, ate Lennore,” ngiting sabi ko sa kanya. Nakita ko ang ngiting pabalik niya sa akin. Sumakay na ako sa kotse niya at sa hindi inaasahan ay nakita ko sa driver seat si kuya Godfrey. Napalunok ako nang dahil doon, kasama