SA NAKALIPAS na araw ay walang palya ang pag-aalalay sa akin ni kuya Godfrey. Papasok man o pauwi galing sa school ay wala siyang mintis man lang. Pwera lang nu'ng first Monday ko ulit dahil pinagalitan niya ako nu'ng Tuesday. Bakit daw nawala ako sa classroom namin?Naghintay raw siya sa akin sa tapat ng classroom namin at nalaman lamang niyang may NSTP ako dahil sa mga higher year sa building namin at kay kuya Steve, nag-ask daw siya kay kuya Steve ng schedule ko. Kaya buong week ay walang mintis at palya ang pagbabantay niya sa akin. Katulad nu'ng Sabado, akala ko makakapagpahinga ako sa pagsulpot at pagbuntot niya sa akin, pero nagkakamali ako. Dumating siya sa bahay nila ate Kathleen at binantayan pa rin ako roon. Pinaramdam niya sa akin kung gaano akong kahalaga sa kanya. Ganito