NATAPOS na rin ang isang linggo kong pananatili sa bahay. Hindi ko alam pero sobra akong naiinip. Gusto ko na ngang pumasok, pero pinagbawalan pa ako ni ate Kathleen. Gusto niyang makasigurong wala na akong sakit na nararamdaman dahil sa nangyari sa akin. Eh, ano nga ba ang nangyari sa akin? Maging iyon ay wala akong maalala. Sinabi lang nila sa akin na nabangga ako ng sasakyan. Pero, hindi ko alam paano ako nabangga ng sasakyan. Hindi naman ako careless para hindi tumingin sa paligid ko bago maglakad, ʼdi ba? Kaya imbis na isipin ko pa iyon ay binalewala ko lamang. Ang importante ay buhay ako at okay na okay na ako ngayon. “Katrina, mag-iingat ka, ha? Tumawag ka sa akin kapag may sumakit sa kahit anong part ng katawan mo, ha?” nag-aalalang sabi ni ate Kathleen sa akin. Naging ganito