NATAPOS ang araw ko na sobrang gulong-gulo ang aking isipan. Pinagulo iyon ni Godfrey dahil sa sinabi niya sa akin. Kaya hindi ko namalayan ang oras dahil sa kanya. Nakatulala lamang ako rito sa may veranda ng aking k'warto. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Godfrey sa akin kanina. Katatapos ko lamang kumain at dito agad ako tumambay. Hindi rin kasi ako makakapag-focus sa pag-aaral dahil sa gawa niya. “Argh, anong gagawin ko? Bakit ko ba kasi kinausap ang Godfrey na iyon?” kausap ko sa aking sarili. Kailangan ko nang makakausap. Kasi ngayon pa lamang ay gulong-gulo na ang isip ko. Gulong-gulo at hindi ko alam kung sino ang susundin ko. Itong puso ko ba? O, itong utak ko? Napatayo na ako at pumasok sa aking k'warto, sinara ko ang pinto ng veranda at baka ma kalimutan ko ulit iyon na naka