NAPALUNOK ako nang marinig ko ang boses niya. Bakit nandito siya? Anong kailangan niya? “Oh, you're here, Katrina!” bungad na sabi ni kuya Leif sa akin. Napatulala ako ng ilang segundo sa kanya at bago ako nakapagsalita. “Um, sorry po kung late nakauwi, kuya Leif.” sabi ko sa kanya. Napatingin ako nang palihim sa wall clock na nandito, alas-siyete na ng gabi. “Pumunta po kasi kami ng mall with my friends po. Bumili po kami book sa isang subject po namin,” saad ko. “Is that so, Katrina? Have you eaten?” tanong ni kuya Leif sa akin. Umiling ako sa kanya. “Um, hindi pa po, kuya Leif,” mahinang saad ko sa kanya. “Kung gano'n ay umakyat ka na sa room mo, Katrina, then magpalit ka na at makakain na rin ng dinner. Sumabay ka na rin sa amin, hindi pa rin kami kumakain.” “Um, o-okay po, k