CHAPTER 49

1502 Words

ILANG araw ang nakakaraan nang mangyari ang first TV commercial shoot ko with ate Lennore. Sobrang saya ko dahil sinabi ni ate Lennore sa akin ay by next week ay mapapanood na rin sa TV ang commercial na ginawa namin, maging billboard ay ilalagay na rin nila. Excited na ako. Ilang araw na rin ang nakakaraan nang makatanggap ako ng text messages mula kay Godfrey, pero hindi ko iyon pinapansin. Hindi ko pinapansin ang bawat text messages and chat niya sa akin. Dahil unang-una ay may fiancé siya. Kahit galit ako kay Kiara ay tao ko pa rin siyang tinuturing. Kahit impakta ang ugali niya. “Good morning, Katrina! Alam mo na kung kailan ilalabas ang commercial na ginawa niyo? Excited na akong makita!” masiglang sabi ni Bianca sa akin. Kadarating lamang niya at iyon agad ang tinanong niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD