“Stay away from him.” Nakatingin lamang ako sa kanya at saka niya ako tinulak papasok sa dressing room ni ate Lennore. Hindi naman gaanong kalakasan iyon “Hey, mabait naman si Jeremy,” sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagsalubong ng kanyang magkabilang kilay na nakatingin sa akin. “Mabait?” nagtatanong niyang sabi sa akin. “He's a f**k boy for me. So, stay away from him,” ulit niyang sabi sa akin. I rolled my eyes to him. “Godfrey, ikaw ang mag-stay away from me, okay? Tandaan mo may fiancé ka at last time I know pinagbantaan ako ng fiancé mo. Kaya ayoko ng gulo,” sabi ko sa kanya at umupo na lamang muna rito. Wala naman akong pupuntahan dahil sa labas nag-aayos na sila para sa photoshoot na gagawin namin. Naramdaman kong umupo rin siya sa tabi ko, kaya umusog ako. “What did she te