“HINDI ba niya alam ang dress code na nakalagay sa invitation card?” Napalingon ako kay Nene nang magsalita siya. “Sorry, ate Xanthi, ha? Alam kong pinsan mo siya, pero tignan mo ang suot niya, pastel color ang dress code natin, pero... Ayoko na lang magsalita,” sabi ni Nene at napainom na lamang siya ng tubig. Ngumiti ako sa kanya. “Itʼs okay, hindi ko rin naman siya close, eh. Tama lang ang sinabi mo, Nene. Hindi talaga angkop ang suot niya ngayon,” sagot ko sa kanya at iniwas ang tingin ko kay Grace, ngiting-ngiti siya pero hindi niya alam nakakahiya siyang pagmasdan ngayon. Hindi na nga sumunod sa dress code, hindi pa angkop ang dress niya. “Desperada kasi niyang pinsan mo, ate Xanthi.” Nagulat ako nang magsalita si Jasmine ng ganoʼn. “Oopss, nagulat ba kita, ate Xanthi? Ganito ako