NAG-UMPISA na rin ang birthday party nina Jaxon and Jessi, exact four in the afternoon talaga nag-start, hindi Filipino time. May sumabog na mga confetti nang dumaan na sina Jaxon and Jessi, naka-suot sila na princess and prince outfit. Nakasakay sila sa isang karwahe habang si Jaxon ay siyang nasa kabayo na pinapa-andar ang karwahe at si Jessi ang siyang nasa loob nuʼn. “Ang gaganda nila...” I murmured habang nakatingin ako sa kanila. Ang sasaya ng mga ngiti nila habang kumakaway sila hanggang mapatingin sila sa akin. “Tita Xanthi!” sabay nilang tawag sa pangalan ko. Ngumiti ako at kumaway rin sa kanila. Nakalingon pa rin sila sa akin kahit lumagpas na ang karwahe sa harapan namin. “Sobrang close talaga nila sa iyo, darling. Paniguradong magiging mabait na mommy ka,” mahinang sabi