KAUUWI ko lamang mula sa Mall, bumili ako ng gift para kina Jessi and Jaxon, inabot na ako ng gabi roon mabuti na lamang ay kasama ko si kuya Carlito. Ang binili kong gift sa kanila ay ternong pantulog na pink and blue na may design na Rabbit and Lion, bumili rin ako ng books na fashion and animals. Pinabalot ko na rin iyon sa Mall, libre naman. Bumili rin pala ako ng pantulog ko rin para sa akin, green naman ang pinili ko at may design na penguin. Iyong tatlong itlog na iyon, siyempre binilhan ko rin at baka magselos. Parehas silang red ang kulay na may design na chicken. Egg nga sana hinahanap ko, pera wala. Sayang! Balak ko ring gumawa ng cake para sa kanilang dalawa. Isa rin iyon sa regalo namin nila mommy. Kanina pang din nalaman nina mom and dad na birthday nina Jessi and Jaxon sa S