JIXʼS POV SA NAKALIPAS na dalawang buwan, matapos ang kasal namin ay lalong tumibay ang aming relasyong apat. Walang nangyari sa nakalipas na dalawang buwan, wala rin kasing naganap na honeymoon sa aming apat dahil buntis si mommy at nasa pitong buwan na ang pinagbubuntis niya kaya natulog lang kami pagkatapos ng kasal namin, kasama sina Jessi and Jaxon, na ayaw humiwalay sa mommy nila. Iyon ang ganap pagkatapos ng kasal naming apat. Kaya hetong dalawang buwan na ang nakalipas, siyam na buwan na ang tiyan ni mommy at anytime ay pʼwede na siyang manganak, kaya alalay na kami sa kanya lalo naʼt hindi namin kasama sina mom Kyla and dad Xervino, nasa bahay na namin nakatira si mommy, pinalaki namin ang bahay namin para magkaroon ng bahay ang mga alagang manok ni mommy, maging sina Jessi an

