NAPADILAT na ako at muli akong nakakita ng puting liwanag, pero sa pagkakataon ay hindi na lamang ako ang mag-isa na nandito sa loob ng kʼwarto kinalalagyan ko ngayon. “Xanthi, darling!” “Mommy!” “M—mommy namin!” Napangiti ako nang makita sina daddy Jim, daddy Jin, daddy Jix, Jaxon and mom. Nakapalibot silang lahat sa akin ngayon. “Mommy! Nagising ka na rin, mommy!” malask na iyak ni Jaxon habang tumutulo ang kanyang luha sa magkabilang pisngi niya. “A—anong nangyari?” pagtatanong ko sa kanila. “Darling, sobra mo kami pinag-alala muli ng dad mo!” Napatingin ako kay mom na umiiyak na rin. “S—sorry po, pero hindi ko maalala kung anong nangyari sa amin ni Jessi... Teka, si Jessi? Nasaan si Jessi?” pagtatanong ko sa kanila kaya pinilit ko ang aking sarili na maupo sa kama. Tinulu

