ISANG ORAS lamang din nang umalis si doctor Emily ay naka-receive muli ng call si daddy Jix. Kaya lumabas siya para sagutin iyon, mula raw kay tito Carlo. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na rin siya, nakita ko sa kanyang mukha ang pagkabahala. “Jix? Anong sinabi ni dad?” tanong ni daddy Jim sa kanya. Aba, siga siya, ha? May kasalanan pa kaya siya sa akin. “Wala na si Gabriela sa hotel na tinutuluyan niya, iyon ang sabi ni dad sa akin.” Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. “But, donʼt worry pinaghahanap na rin siya ng mga pulis at sinabihan na ang lahat ng airport na huwag palalabasin si Gabriela Richards, nakipagtulungan na rin sila sa mga NBI para mahuli siya,” saad ni daddy Jix sa amin. “f**k her! Hindi siya makalalabas hanggang hindi niya nababayaran ang ginawa niya kina momm

