NAGKAKASIYAHAN na ang lahat, maging si Jessi ay nakikipagdaldalan na rin sa mga pinsan niya. Kahit papaano ay hindi na siya natatakot, iyon nga lang ay panay tingin niya sa akin, sa akin talaga siya tumitingin mukhang tinitignan niya kung mawawala ako. Nagkaroon na talaga siya ng trauma. “Jin, what are we going to do with Jessi? It seems that she suffered a traumatic event because of what happened to us. Natatakot ako para sa kanya. Tignan mo siya, panay lingon sa direksyon natin... Kita ko sa mga mata niya ang takot na baka mawala ako. Jin, ayokong dalhin niya ang trauma na ito hanggang sa pagtanda niya,” malungkot na sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking magkabilang kamay. “Donʼt worry, mommy. Hindi namin hahayaang lumaki ng ganito si Jessi. Huwag ka na mag-alala, ha?” malambin

